Stall ng cellphone nasalisihan ng P220K

NASALISIHAN ng may apat na kalalakihan ang isang stall sa Paco, Maynila at natangay ang nasa 30 iba’t ibang klase ng cellphone na tinatayang nagkakahalaga ng P220,000.

Isa sa suspek ang nadakip na nakilalang si Rogelio dela Rosa, 18 anyos ng 1983 Kahilum 2 Pandacan, Maynila, habang patuloy ang pagtugis sa tatlo pa nitong kasamahan bitbit ang may 30 cellphone.

Batay sa ulat ng MPD-Pandacan Police Station 10, dakong 11:45 ng tanghali nang pasukin ng mga suspek ang hindi na pinangalanang stall sa loob ng Robinsons Otis sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng MPD, hindi nanutok ang mga suspek para holdapin ang stall sa loob ng nasabing mall.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa ikadarakip ng iba pang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply