Storm surge ibinabala sa mga lugar na apektado ni ‘Pablo’

bagyong-pablo

NAGBABALA ang Philippine Coast Guard (PCG) sa residente sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Pablo dahil sa posibleng pagkakaroon ng storm surge o ang paglaki ng alon ng dagat na hahampas sa mga bahay malapit sa dagat.

Pinapayuhan din ang mga mangingisda na ilagay sa mas mataas at mas ligtas na lugar ang mga bangka upang hindi masira habang dumadaan ang malakas na bagyo.

Pinalilikas na rin ang mga residente na maapektuhan ng bagyo sa mga itinalagang evacuation centers sakaling ipag-utos na ng lokal na pamahalaan ang pre-emptive evacuation.

Nanawagan din ang PCG sa mga bus company, lalo na ang mga bibiyahe patungong Leyte at tatawid mula sa pantalan ng Sorsogon na ipagpaliban muna ang paglalayag partikular na ang magmumula sa Metro Manila.

Ito ay upang maiwasan ang paglobo ng mga stranded na pasahero sa pantalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply