Stude halinhinang ginahasa, pinagsasaksak at ninakawan

emergency

MASUWERTENG nakaligtas ang isang estudyante na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital makaraang halinhinang gahasain at pagsasaksakin ng mga humoldap sa kanya sa Barangay Lawaan, Roxas City.

Kinilala ang biktima sa pangalang Janna, 19, ng Barangay Quinayuya, Dao, Capiz na nagtamo ng mga sugat sanhi ng pananaksak gamit ang screw driver ng tricyle driver at kaangkas nito.

Nagulat na lamang ang biktima na bigla siyang tinabihan ng angkas ng driver ng isang walang plakang tricycle na kanyang sinakyan mula sa Rizal Street patungo sa Fuentes Drive sa lungsod.

Tinutukan siya nito ng screw driver at dinala sa Barangay Lawaan kung saan siya halinhinang ginahasa.

Matapos ang panggagahasa ay pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima na nagtamo ng 21 saksak sa leeg, tagiliran at dibdib.

Bago iwanan ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang pera at cellphone nito.

Masuwerteng nakaligtas si Janna sa tulong ng isa pang driver ng tricycle na napadaan sa lugar.

Nahuli naman ng mga rumespundeng pulis ang isang suspek na kinilalang si Jessie dela Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply