Suki Market sa QC hinoldap ng 2 bagets; P100K natangay

HINOLDAP at natangayan ng P100,000 ng dalawang holdaper na bagets ang Suki Market sa Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Sugatan sa naturang pangyayari ang guwardiya ng tindahan na hindi nakuha ang pangalan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa tapat ng nasabing palengke.

Ayon sa biktima na si Marilou Gubat, stall owner, bigla siyang tinutukan ng isa sa mga suspek at hinihingi ang perang pinagbentahan ng karne.

“Nagulat ako kasi tinutukan kami ng baril. Akala ko nagbibiro lang siya. Pinapakuha sa akin yung bag. Noong ‘di ko binigay, umakyat siya sa pwesto at kinuha ang bag ko na may P100,000 at ilan pang mahahalagang gamit at sabay umalis,” pahayag ni Gubat.

Sa pahayag ng stall owner, hindi niya natandaan ang mukha ng dalawang holdaper pero napansin niya na ang mga suspek ay kapwa bagets pa.

Habang papatakas naman ang mga suspek ay nakipagbarilan muna sa naturang guwardiya na tumakas lulan sa isang motosiklo.

Inabandona ng mga suspek ang sinakyang motorsiklo sa kanto ng Dapitan at Cristobal streets sa Manila area.

Ayon pa sa saksi, lumipat ang dalawang holdaper na ang isa ay nasugatan sa naghihintay na kulay asul na Mitsubishi Montero Sport at saka humarurot sa Lacson Avenue.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply