Sultan Kudarat PPO, naka-alerto sa Simbang Gabi

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Naka-alerto at handa na ang pamunuan ng Sultan Kudarat Provincial Police Office o SKPPO sa pamumuno ni PSSUPT.Rolen Dela Cruz Balquin PESE hinggil sa inilatag nilang seguridad kaugnay sa tradisyunal na Simbang Gabi na magsisimula sa Disyembre 16.

Ayon kay PSSUPT.Rolen Dela Cruz Balquin PESE, plantsado na rin ang pagpapatrulya ng mga kapulisan sa 11 bayan sa Sultan Kudarat kabilang na ang lungsod ng Tacurong lalong lalo na sa lahat ng lansangan at sa palibot ng mga simbahan na inaasahan nilang dadagsain ng libo-libong deboto.

Ipinag-utos na rin ni Balquin sa lahat ng mga Municipal Police Station na pakikilusin a niya ang mga barangay police upang magsilbing mga force multiplier upang matiyak na hindi sila masalisihan ng mga snatcher, masasamang elemento at maging mga teroristang grupo na nagbabalak na maghasik ng kaguluhan.

Bukod pa sa kanilang mga police personnel at mga pinalalabas na administrative personnel, hihingi rin sila ng tulong sa mga tinaguriang barangay peacekeeping action teams.

Aabisuhan din umano ni Balquin ang iba’t ibang radio groups upang makatulong sa traffic management dahil sa inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Nanawagan naman ni Balquin sa himpilan ng radyo ng DXRX isang lokal na himpilan ng radyo sa lungsod ng Tacurong sa panayam sa kanya. Sa lahat ng mga magsi-Simbang Gabi na siguraduhing sarado o may maiiwan na kaanak sa kanilang mga bahay upang maiwasan na mabiktima ng “akyat bahay gang”.

Ang tradisyunal na “Simbang Gabi” o Misa de Gallo, ay dinadagsa ng mga mananampalatayang Katoliko sa loob ng siyam na gabi o madaling araw bago ang araw ng Pasko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply