Sumingit sa pila, pedicab driver sinaksak, tigbak

PATAY ang isang pedicab driver matapos pagsasaksakin ng kapwa pedicab driver makaraan ang pagtatalo dahil sa pagsingit sa pila ng huli sa Navotas kaninang umaga, Disyembre 16.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Harold Layson, 18, ng Temporary Housing, Tondo, Manila.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Aljon Manamba, nasa hustong gulang ng Tumana, North Bay Boulevard South, Navotas.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga, nakapila sa Lapu-Lapu st., NBBS ang biktima nang singitan ng suspek.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa magsuntukan subalit nakabunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa TMC ang biktima.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply