Sundalo patay, 2 pa sugatan sa ambush sa Leyte

NAMATAY noon din ang isang sundalo, habang dalawa pa malubhang nasugatan nang tambangan ng mga armadong New People’s Army (NPA) sa Sitio Calingatnan, Barangay San Pedro Albuera, Leyte noong Biyernes, ulat ng militar ngayong araw.

Kinilala ni Capt. Dranreb Canto, spokesman of the Army’s 802nd Infantry Brigade, ang napatay na  Pfc. Richard Abines, 25.

Lumitaw sa imbestigasyon na bumisita sa barangay ang 78th Infantry Battalion para alamin ang mga problema ng mga residente na nais iparating sa kinauukulan.

Pabalik na ang 16 na sundalo sa kanilang kampo nang atakehin ng tinatayang 10 armadong lalaki.

Bukod kay Abanes, dalawang sundalo pa ang nasugatan kabilang sina PFC Jay Baysa at PFC Frederick Mar.

Disyembre 2011 nang ideklara ng military ang Leyte bilang Manageable Conflict-affected and Development-ready Province.

Kumpiyansa naman ang Philippine Army na hindi makapagpapababa ng moral ng militar ang nangyari sa kanilang hanay ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply