Sundalo todas, 1 pa sugatan sa pagsabog sa Basilan

bangkay

ISANG Army Scout Ranger ang nasawi habang sugatan ang isa pa makaraan ang naganap na pagsabog sa Basilan.

Ayon kay Capt. Alberto Caber, ng 1st Infantry Division, naganap ang pagsabog ng improvised explosive device habang nagpapatrulya ang 3rd Scout Ranger Company sa Barangay Cabangalan, Ungkaya Pukan.

Nasawi sa pagsabog si Cpl. Mark Dandin Gomez habang sugatan naman si Pfc. John Garde na dinala sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Narekober sa pinangyarihan ang fragments ng mortar round at parte ng cell phone.

Kasalukuyang nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pinagsanib na puwersa ng AFP at PNP upang malaman ang responsable sa pagpapasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply