Sunog sa Taguig, 6 oras na

UMABOT na sa anim na oras ang nagaganap na sunog na tumutupok sa mga pabrika sa industrial area sa First Avenue, Bagumbayan, Taguig City.

Ayon kay Arson Investigator, Sr./Insp. Severino Sevilla, hepe ng operations ng Taguig City Fire Department, aabutin pa ng tatlong araw at dalawang gabi bago tuluyang maapula ng mga bumbero ang sunog na nagsimula kaninang alas-9:00 ng umaga na nagsimula sa DIC Company, pagawaan ng pintura.

Nabatid na nadamay sa sunog ang warehouse ng pabrika ng tissue na Sanitary Care Products of Asia (SCPA) habang bahagya na ngayong kontrolado ang apoy sa DIC Company at tinututukan na lamang ang pagkalat pa ng apoy sa katabi pang kumpanya at residential area.

Tinatayang aabot na sa kabuuang P20 milyon ang pinsala ng sunog sa dalawang pabrika, na tig-P10 milyon na ang sinasabing danyos.

Kasalukuyan pa ring inaalam ang dahilan ng sunog na patuloy pa ring inaapula ng pabalik-balik na trak ng mga bumbero.

Ayon sa mga nakasaksi, nagmula sa maliit na apoy ang lumalagablab na apoy sa kasalukuyan kasunod umano ng malakas na pagsabog mula sa laboratoryo ng pagawaan ng pintura.

Nagsilikas na rin ang mga residente sa naturang lugar dahil sa takot na madamay ang kanilang mga tahanan sa naturang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply