Suplay ng bigas para sa nasalanta ng bagyo, sapat – NFA

TINIYAK ngayon ng National Food Authority (NFA) na sapat ang bigas para sa mga nabiktima ng bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni NFA Officer-in-Charge Ludovico Jarina na inatasan na nila ang kanilang regional heads sa Southern Leyte, Camiguin, General Santos, Davao at Compostella Valley na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para sa pagpapamahagi ng bigas sa mga sinalanta ng bagyo.

Sa kabila nito sinabi ni Agriculture Sec. Proceso Alcala na malaki ang epekto ng pagdaan ng bagyo, lalo na sa mga maisan na sana ay mamumulaklak na.

Posible umanong  abutin pa ng dalawang taon bago makabawi ang mga magsasaka sa Mindanao na nasalanta ng bagyong Pablo.

Maliban sa suplay ng mais ay maari din manganib ang suplay ng niyog at saging na mga pangunahing produkto sa rehiyon.

Tiniyak naman ni Alcala na kung kakailanganin at para mas makabilis na makahabol ang mga magsasaka ay handa naman ang ahensyang magkaloob ng ayuda, kasama ang pagbibigay ng subsidiya sa mga pataba.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply