Suplay ng isda sa bansa sapat

IPINAHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi kukulangin ang suplay ng isda sa bansa sa kabila ng paghagupit ng Bagyong Pablo.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, sapat ang mga isdang galing sa Luzon at Visayas at patuloy ang suplay ng isda sa bansa.

Ang tanging naapektuhan lamang ay ang suplay ng tuna dahil sa fishing ban at paghagupit ng bagyo.

Samantala pinayagan na umano sila ng Western and Central Pacific Fisheries Commission (WCPFC) na makapangisda sa pocket 1, upang umalalay sa suplay ng tuna.

Kaugnay nito, umaabot na sa 47 bangkang pangisda ang nawawala dahil sa pananalasa ng bagyo at tinututukan nila ang paghahanap sa mga ito ngayon.

Sinabi naman ni Perez na tinatayang P77 milyon ang halaga ng kabuuang pinsala ng bagyong Pablo sa fishing industry sa bansa.

Nilinaw naman ni Perez na may nakalaan ng pondo sa pagsasaayos ng mga nasirang palaisdaan, lalo na ang mga nagbi-bread ng mga maliit na isda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply