Suspected JI bomber kinuha na ng Malaysian embassy sa Davao

MAKARAANG mapatay sa engkuwentro, kinuha na ng vice consul ng Malaysian embassy ang bangkay ng suspected Jemaah Islamiya (JI) bomber na si Mohd Noor Fikrie bin Abd Kahar.

Napag-alaman na ito umano ang pakiusap ng pamilya ng namatay na nasa Malaysia na dalhin ang bangkay sa kanilang bansa.

Ayon kay Kadil Adilin, Imam ng mga Muslim sa Davao, nilinis at ipinasok sa moske ang bangkay ni Fikrie batay sa Muslim belief at saka dinasalan.

Dagdag pa ni Imam Adilin, dinasalan nila ang bangkay ni Fikrie na nakabalot ng puting linen sa paniwalang kung nagkasala man ito noong buhay pa ay bibigyan ng kapatawaran.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply