Suspek sa droga sa Oriental Mindoro nakatakas

NATAKASAN ng tinaguriang “high-profile  drug suspect ang kanyang bantay na kadarakip pa lamang ng mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Oriental Mindoro provincial jail.

Ang pugante na kilalang ‘big time’ drug pusher na dapat nakapiit sa maximum security prison ay kinilalang si Edward Margate, alyas “Bato,” 42, ng  Brgy. Ibaba West, Oriental Mindoro city.

Sa ulat si Margate ay nahaharap sa patong-patong na kaso ng illegal drugs at sinampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, o Republic Act No. 9165.

Nabatid sa impormasyon, naikubli sa media ang pagkakatakas ng suspek noong December 3, dakong alas 8:00 ng gabi habang abalang nanonood ng teleserye ang mga jailguard sa labas ng kulungan.

Alas 9:00 na ng gabi nang matuklasan ang pagkakatakas ni  Margate makaraang magsagawa ng head count ang isang jailer sa detention facility

Ang pagkakatakas ni Margate ay agad na ipinaalam sa Provincial Jail Warden na si dating police colonel Marcelino Romero.

Ang nakapagtataka umano rito, kung paano nakapuslit ang suspek sa provincial jail ng Oriental Mindoro dahil mahigpit na nagbabantay ang mga jail guard sa kabilang pintuan.

Ang insidente ay ikinubli ng Jail Warden na si  Romero,  at hindi ipinabot kay Provincial Administrator Angel Saulog  na itinalag ni Gov.Alfonso Umali ang pagkakatakas ni Margate.

Nitong nakaraang linggo, si Margate ay nadakip ng mga tauhan ng PDEA sa isinagawang buy-bust operation.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tinatayang dalawang kilo ng shabu.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply