Suspek sa tangkang pagpatay sa PBA player, nasakote

MAKARAAN ang mahigit isang taon pagtatago, nasakote ng awtoridad ang dalawang suspek na miyembro ng gun-for hire na nagtangkang pumatay sa Talk N’ Text star player Ali Peek noong Nov. 7, 2011.

Ang mga suspek ay nasakote sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police Provincial Public Safety Company (PPSC) sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala ni PPSC Commander Superintendent Ricardo Villanueva, ang mga suspek na sina Carlos Hernandez, 60, a residente ng Barangay San Miguel na Munti, at Orlando Santos, 35, of Barangay Bantug, kapwa ng Talavera, Nueva Ecija.

Ayon kay Villanueva si Hernandez ay naaresto sa Barangay Penabatan,
Pulilan, Bulacan ng isang team na pinamumunuan ni Senior Police
Officer 1 Gerry Santos sa bisa ng warrant of arrest kaugnay na kasong
murder at frustrated murder na inilabas ng Regional Trial Court ng
Bulacan, samantalang si Santos ay nasakote nasakote sa Sitio Tagpos, Barangay Soledad, Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sa isinagawang follow-up investigation, nabatid na ang dalawang suspek ay nasasangkot sa tangkang pagpatay kay Talk N’ Text star player Ali Peek noong nakaraang November 7, 2011.

Ang Hawaii-born na si Peek na naglalarong center para sa TNT ay binaril sa batok habang nasa parking lot ng RFM Gym na nasa panulukan ng Sheridan at Pioneer Streets, Mandaluyong City.

Ayon kay Peek isa sa kanyang masugid na tagahanga ang nagtangkang agawin ang kanyang bag bago siya binaril.

Nabatid kay Senior Superintendent Walter Castillejos, Nueva Ecija
police director, na si Hernandez ay inakusahang sa pagpatay sa isang
Jolly Capati Villar ng Barangay San Fernando Sur, Cabiao, Nueva Ecija.

Si Hernandez ay isa ring security guard sa Natividad Orchids farm sa Barangay Daang Sarili, Nueva Ecija noong 2011 at hindi ito binigyang ng kaukulang piyansa.

Samantala si Santos, ay nasakote sa isinagawang anti-criminality checkpoint makaraang makatanggap ang mga awtoridad ng impormasyon na ang dalawan gun-for-hire ay daraan sa Barangay Soledad.

Nakuha sa pag-iingat ni Hernandez ang .38 caliber revolver na naglalaman ng apat na bala nang maaresto ito.

Ang dalawang suspek ay sinasabing miyembro ng Elesio gun-for-hire
group.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply