Suspek sa Venson Evangelista slay nais magpasailalim sa WPP

NAIS ng naarestong suspek sa pagpatay kay Venson Evangelista na maisailalim siya sa Witness Protection Program (WPP).

Ayon sa suspek na si Joel Jacinto, alyas Eduardo Fernandez, nangangamba siya para sa kanyang seguridad.

Sa pahayag ng suspek, kitang-kita umano niya kung paano pinatay at sinunog ang biktima noong Enero 2011.

Matatandaan na naaresto si Jacinto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Las Piñas City, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni QC Judge Ma. Luisa Quijano-Padilla dahil sa kasong carnapping with homicide.

Sa pagkakaaresto kay Jacinto, lalong tumibay ang kaso laban sa magkapatid na Dominguez na sinasabing lider ng carnapping syndicate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply