Susunod na Chief Presidential Legal Counsel kaklase ni PNoy

WALA pang kumpirmasyon ang Malakanyang kung itatalaga ni Pangulong Noynoy Aquino si Alfredo Benjamin Caguioa bilang kanyang susunod na Chief Presidential Legal Counsel kapalit ni Eduardo de Mesa.

Si Caguiao ay kaklase ni PNoy sa grade school at college sa Ateneo de Manila University.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma, wala pang opisyal na pahayag ang Malacañang hinggil sa pagtatalaga kay Caguiao.

Ngunit sinabi ni Coloma na kung sakaling mapili si Caguiao ay tiyak naman na nakuha ito dahil sa kanyang kakayahan at kwalipikado sa posisyon at hindi dahil kaklase siya ng Pangulo.

Nabatid pa na si Caguiao ay senior partner ng Caguiao and Gatmaytan Law Office, nakapasa sa Bar Examination taong 1986, isang taon matapos makapagtapos ng law sa Ateneo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply