SWS: Mga politikong pro-RH mas iboboto ng mga botante

rh-bill

LUMAKI ang tsansa ng mga kandidatong politiko na pumabor sa pagsasabatas ng kontrobersyal na Reproductive Health bill na iboto ng mga botante sa 2013 midterm elections.

Ang pagtataya ay kaugnay sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3 sa 1,200 respondents.

Batay sa survey, 33% ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila ang mga senatorial candidate na pro-RH laban sa 9% na mas pipiliin nila ang mga anti-RH.

Samantala, 57% naman sa mga tinanong ang nagsabing hindi dapat iugnay ang usapin ng RH bill sa pagpili ng kandidatong iboboto sa darating na halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply