Syndicated estafa isinampa ng NBI vs Pagadian City mayor

DOJ

SINAMPAHAN muli ng kasong syndicated estafa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) si Pagadian City  Mayor Samuel Co at iba pang opisyal kaugnay sa multi bilyong pyraming investment scam.

Ang muling pagsasampa ng kaso laban kay Co kabilang ang dalawa pang opisyal ng City hall ng Pagadian at pitong opisyal ng Aman Futures Group  Phils. Incoporated ay bunsod na rin ng reklamo ni Zaalica Adiong na umano’y nabiktima rin ng nasabing grupo.

Nabatid na umaabot sa halagang P3.2 milyon ang nailagak ni Adiong sa Aman Futures mula sa buwan ng Pebrero at Setyembre sa Pagadian City.

Ang inilagak niyang pera ay tinanggap umano ni City Treasurer Flornina Gerona kung saan isang Haide Sepada na empleyado rin ni Mayor Co ang siyang nag-isyu naman ng resibo sa kanya.

Ang founder ng nasabing grupo na si  Manuel Amalilio at anim pang opisyal ng korporasyon ay kabilang din sa mga kinasuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply