Tagumpay ni Donaire ipinagdiwang ng mga taga-Taguig

TAGUIG CITY – Muling lumikha ng malaking pangalan si Philippine boxing hero Nonito “Flash” Donaire matapos nitong baliin sa ikatlong round sa pamamagitan ng malakas na left hook ang panga ng mehikanong si Jorge Arce.

Sa tinamong tagumpay ng tinaguriang “adopted son” ng Taguig nakiisa sa pagbubunyi ang libo-libong tagahanga nito sa naturang lungsod sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano.

“We are proud of his marvelous feat; he proved again to the whole world that he has the finest traits of a Filipino,” ani Cayetano.

Samantala, sinabi naman ni Taguig PIO Chief Atty. Darwin Icay na nakabawi ang mga “Pinoy” na muling maiangat ang pangalan nito sa pandaigdigang palakasan pagkaraang tamaan ng “lucky punch” si Pacquiao sa naging laban nito kay Marquez.

“I think Donaire is a good successor of Manny when the later decided to retire in boxing, both of them are real warriors whose names are not only engraved in sports history but also in the hearts of many Filipinos,” aniya.

Sa puso ng mga nagbubunying kababayan ni Donaire, hindi napigilan ng mga ito na magbigay ng kanilang pahayag.

“There’s no better place like home and we will going to give Donaire a hero welcome when he arrive here in Taguig,” anila pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply