Takot si Rep. Evardone sa FOI; ‘Aqua politics’ sa Masbate

burdado- jun briones

DATING mamamahayag pero hindi kinakikitaan ng malasakit sa Freedom Of Information bill itong si E. Samar Rep. Ben Evardone.

Bagkus siya pa ang itinuturong dahilan kung bakit inamag sa kanyang committee itong napakahalang FOI bill.

Sa totoo lang, parekoy, takot ang mga ganid at kurakot na congressman na maging batas itong FOI.

Dahil mabubunyag na sa mga mata ng taumbayan ang kanilang mga katarantaduhan kung paano nila ninanakaw ang pera ng bayan!

At ang mga kasing-bobo lamang ang maniniwala sa palusot nina Evardone na kesyo kailangang malagyan ito ng depensa para hindi abusuhin ng mga mamamahayag ang nasabing kalayaan sa FOI.

Kundi ba naman tanga, ang FOI ay magbibigay ng kalayaan sa lahat ng mamamayan na magkaroon ng access sa anomang dokumento ng gobyerno, lalo na yaong may kaugnayan sa mga proyekto o pananalapi.

Ang bibigyan ng kalayaan na makaalam ng pangungurakot ninyong mga taong gobyerno ay ang “taumbayan.”

Alam mo ba na sa Samar, tanging ang mga aswang lamang ang takot sa benditadong
tubig!

Gets mo, Rep. Evardone?

Ang mga kawatan lamang ang takot sa FOI dahil masisilip ang kanilang  kademonyohan!

-o0o-

KUNG ang “narco-politics” ay pinangangambahan sa ibang lugar o ang pera mula sa iligal na droga ang ginagastos sa politika, sa Masbate naman ay mayroong “aqua-politics!” Ito, parekoy, ang sandamakmak na pera mula sa mga iligalistang mangingisda na ibinubuhos sa “winnable” na kandidato sa Masbate para matiyak na sa kanilang panalo ay tuloy-tuloy naman ang kanilang iligal na pangingisda!

Milyones ang usapan, parekoy, mula sa mga milyonaryong kapitalistang taga-Roxas City, Iloilo, Bicol at Cebu.

Kung ang iligal na droga ay sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, ang illegal fishing ay hindi lang kinabukasan ng ating mga anak ang winawasak kundi hanggang sa apo ng ating mga anak!

Ano DILG Sec. Mar Roxas, baka gusto mo itong tutukan?

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply