Tali ng parachute pumulupot sa paa, retiradong parak tigbak

crime6

NAGKADURUG-DUROG ang katawan ng isang retiradong pulis-Taguig matapos mahulog sa eroplano nang hindi bumuka ang ginamit nitong parachute sa Binalonan, Pangasinan, sa ulat ng pulisya ngayon.

Batay sa ulat, sumakay ang retiradong pulis na si SPO4 Renato Modicillo, kasama ang dalawang iba pang pulis sa private commercial practice plane sa Brgy. Camanggaan, Binalonan, Pangasinan para sa kanilang PNP Skydiving practice.

Subalit sa kasamaang palad ay pumulupot ang tali ng parachute sa kanyang paa nang ito ay tumalon at hindi nito agad nabuksan ang kanyang reserba kaya’t tuloy-tuloy ito sa pagbagsak.

Nakita na lamang ang bangkay nito na nagkadurog-durog sa Brgy. Kilo, Sison, Pangasinan.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya nito sa Taguig upang kunin ngayon ang bangkay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply