Talo man, Pacquiao bibigyan ng hero’s welcome – Lim

manila-mayor-fred-lim

BAGAMAT natalo si Pinoy boxing champ Manny Pacquiao sa kanilang pang-apat na paghaharap ng Mehikanang si Juan manuel Marquez, ay mainit pa rin siyang sasalubungin ng lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, dapat pa ring bigyan ng Hero’s Welcome si Pacquio dahil sa ipinakita nitong tapang kahit pa natalo ito.

Dagdag pa ng alkalde, hindi matatawaran ang karangalang naibigay ni Pacquiao sa bansa at kailanman ay hindi ito mabubura sa isang pagkatalo lang.

Si Pacquio ay nakatakdang umuwi sa bansa sa Miyerkules at inaasahan pa rin ang mainit na pagsalubong sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply