Tamang proseso ibibigay kay Espino – Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na bibigyan ng tamang proseso at igagalang ang lahat ng mga karapatan ni Pangasinan Gov. Amado Espino na isinasangkot sa jueteng operations.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary
Mar Roxas, hindi nila huhusgahan ang gobernador at hayaang ipaliwanag ang kanyang panig matapos siyang kasuhan nina Bugallon Mayor Rodrigo Orduña ng plunder sa pagtanggap ng umano ng jueteng money.

Ayon kay Roxas, pinapayuhan nito si Espino na kumuha ng magaling na
abogado dahil hindi raw mareresolba ang isyu sa pulitika.

Ipauubaya rin umano nila sa Ombudsman kung papatawan ito ng suspensyon bagama’t may kapangyrarihan ang Office of the President (OP) na magsuspinde ng local official na may kinakaharap na kasong
administratibo.

Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay DILG
Sec. Mar Roxas na tiyakin ang malakas na kaso at proteksyon sa mga
testigo hinggil sa pagkakadawit ni Pangasinan Gov. Amado Espino sa
jueteng operations.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nais ng Pangulo na walang mangyayaring whitewash o takipan sa nabulgar na kontrobersya.

Ayon kay Lacierda, pursigido silang ituloy ang kaso at magsisilbing babala sa mga sindikato at protectors ng sugal na jueteng.

Sa nasabing kaso umano mapapatunayan ang determinasyon ng gobyerno na masugpo ang operasyon ng illegal numbers game.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply