Tambay na tulak, utas sa bala

crime-scene-chalk-mark

PINANINIWALAANG ‘droga’ ang motibo ng pamamaslang sa isang 27 anyos na tambay, makaraang pasukin sa loob ng bahay saka pagbabarilin kahapon ng umaga sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Nakilala ang biktimang si Mark Dave Maravile Y Arandia, may asawa ng 772 Blk. 1 Gasangan, Dubai St., Baseco Compound.

Samantala, dalawa sa suspek na pawang armado ng baril ang mabilis na tumakas, na umano’y malaking tulak ng shabu sa lugar na may alyas “Tom” at “Rex” residente din sa nasabing lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Anthony Boncan kay P/Sr.Insp. Esmael “Maying” dela Cruz, hepe ng Manila Police District-C rime Against Persons Investigation Section, dakong 10:00 ng umaga, nang maganap ang nasabing krimen sa loob ng bahay ng biktima.

Nabatid sa report ng pulisya, armado ng baril ang dalawang suspek, nang pasukin ang loob ng bahay, at habang natutulog ang biktima, nang pagbabarilin ito ng tatlong beses sa katawan at sa hita ng biktima.

Ayon sa asawa ng biktima na si Christine, 25 anyos, tulak umano ng shabu ang mga suspek, at hindi umano nakapag remit ang kanyang asawa kaya ito pinatay.

Gayunman, ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa St.Yvan Funeral Morgue, para sa kaukulang awtopsiya, habang inihahanda naman ni ginang Maravile na umalis na sa lugar kasama ang dalawang anak na babae.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply