Tambay nahulog sa Quiapo underpass, patay

bangkay-4

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung may foul play sa insidenteng naganap nang mahulog ang isang tambay at nabagok ang ulo sa Quiapo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si Rolando Gandia Y Acosta, nasa hustong gulang at residente ng 730 Bernardo St., Sta.Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Rodel Benitez, kay P/Sr.Insp. Esmael dela Cruz, hepe ng Manila Police District- Crime Against Persons Investigation ( homicide) Section, dakong 2:30 ng madaling araw nang maganap ang nasabing insidente sa may underpass sa south bound ng panulukan ng Claro M Recto Avenue at Quezon Boulevard sa Quiapo.

Napag-alaman sa isang alyas “Mang Boy”na tindero sa sidewalk, ang nakakita kung papaano umano nahulog ang biktima.

Sa report ng pulisya, nakitang naglalakad ang biktima, patungong simbahan ng Quiapo para dumalo sa Simbang Gabi, nang magpahinga at umupo ito sa bakal sa may hagdanan ng tulay ng underpass.

Hinalang nawalan ng balanse si Gandia at nabagok ang ulo nito sa sementadong hagdanan na siya nitong ikinasawi

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply