Tanod sugatan sa tarak ng nag-amok na dayuhan

OSMA

MALUBHANG nasugatan ang isang barangay tanod nang tangkain nitong awatin ang nagwawalang dayuhan sa isang fast food chain sa Malate, Maynila, Biyernes ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Anghel Biliran makaraang magtamo ng tama ng saksak sa katawan.

Kinilala naman ang suspek na si Tsil Akil Tomerok, Papua New Guinea national at estudyante.

Ayon sa report ng Manila Police District Station 5, lasing na lasing na pumasok sa fast food chain na matatagpuan sa Kalaw St., sa Ermita si Tomerok kasama si Henry Nook, Papua New Guinea at estudyante rin. Sinita ng mga barangay tanod ang dalawa.

Itinanggi naman ni MPD-PS5 Chief Rolando Tumalad ang ulat na nagkaroon ng hostage taking sa loob ng nasabing fast food chain.

Ayon kay Tumalad, inakla umano ni Tomerok na kukuyugin siya ng mga tanod kaya naglabas siya ng patalim at sinaksak ang biktima.

Agad namang nasukol si Tomerok habang ang kasama nitong si Nook ay hindi naman kakasuhan base na rin sa mga testimonya ng mga testigo at mga tanod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply