Task force inilunsad sa mga nawawalang mangingisda

BUMUO ng isang task force para ipagpatuloy ang ginagawang seach and rescue operation sa mahigit 300 mangingisda na hanggang sa ngayon ay nawawala.

Tinawag itong ‘Task Force Maritime Search and Rescue Operation SARGEN na kinabibilangan ng Philippine Navy, Coast Guard, PNP, local government unit ng General Santos kasama na ang grupo ng mga fishing industry.

Ayon kay Commander Lued Lincuna, tagapagsaligta ng task force na isang magandang palatandaan na marami pang mga buhay na mangingisda sa karagatan ng Palau at sa teritoryo ng Indonesia nang ma-recue alas-6:30 ng umaga sa mga mangingisdang nakilalang sila Rena Maulas, Dennis Codilla at Peter Magnace na kasalukuyan pang dinala sa Mati, Davao Oriental.

Dahil dito, humihingi na ngayon ng tulong ang task force sa Philippine Air Force na dagdagan pa ang dalawang eroplano na kanilang ginagamit sa ginagawang aerial survey sa patuloy na search and rescue operation dahil sa lawak ng karagatan.

Hindi nila kaya sa dalawang eroplano lang upang mas mapadali ang kanilang paghahanap dahil naniniwala ang task force na marami pang mga buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply