Taunang pagbubusal ng baril, isinagawa

ISINAGAWA na ang taunang pagbubusal ng mga baril ng mga pulis ng National Capital Regional Police Office sa isang seremonya na idinaos sa Taguig City.

Pinangunahan ni NCRPO director Leonardo Espina ang pagbubusal sa pamamagitan ng tape sa mga dulo ng baril ng kapulisan at paglalagay ng pirma sa mga ito, na taon-taong ginagawa upang seguruhin na hindi ito gagamitin sa pagpapaputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nagbabala si Espina na mahaharap sa mga mabibigat na parusa ang sinumang pulis na matutuklasang pinaputok ang kanilang mga baril na malalaman sa idaraos na inspeksyon sa mga binusalang baril sa unang linggo ng 2013. Tanging ang mga pulis lamang na kasama sa mga lehitimong operasyon ang pinapayagang gamitin ang kanilang mga armas.

Maging sa Camp Karingal ay nagdaos din ng pagbubusal ng mga baril ng kapulisan at isinabay na rin ang pagpapasabog sa mga nakumpiskang mga paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply