Tax evasion case ni ex-CJ Corona mababasura; M’cañang, dedma

IPINAGKIBIT-BALIKAT lang ng Malakanyang ang naging pahayag ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona na kumpiyansa itong ibabasura lamang ng Justice Department ang kasong tax evasion laban sa kanya.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na malaki ang tiwala ni Pangulong Benigno Aquino III kina Justice Secretary Leila de Lim at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares.

“Well, syempre ‘yan po ang sabi nila so hayaan na lang po natin ang DOJ kung ano ang magiging decision po doon sa kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue. (May) kumpyansa naman po kami kay Commissioner Kim Henares. Ang ebidensya po ay nanggaling sa impeachment court at tandaan natin, nag-issue si Corona ng letter of authority to inspect all <his> bank documents at ‘yun po ay ginawa ni Commissioner Henares,” ayon kay Sec. Lacierda.

Kaya, aniya, naniniwala ang Malakanyang na ang ebidensya laban kay (former) Chief Justice Corona ay base na rin sa possession third party (documents) tulad ng mga (dokumento sa) bangko na siguro naman ay klarong-klarong.

“Hindi naman po ‘yan nagsisinungaling. So we are confidentthat the case filed by Henares against the former will stand legal scrutiny,” ani Lacierda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply