Tax sa ‘online sellers’ idinepensa ng BIR

IPINAGTANGGOL ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang planong habulin sa buwis ang online sellers o mga negosyanteng nagbebenta ng produkto sa Internet.

Ito ay dahil aabot sa P300 billion ang on-line selling na kung hahabulin sa buwis ay malaking tulong sa pamahalaan.

Ani BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, kung hindi nila hahabulin ang nasa infornal sector ay posibleng humina naman ang nagtitinda na may physical store dahil sila lang ang bumabalikat ng pagbabayad sa buwis.

Bagamat aniya na mahirap habulin ang on-line business para pagbayarin ng buwis, magiging bentahe naman ito sa mamimili dahil makaiiwas din sila sa scam.

About Girlie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>