Taxi driver nagtakas ng gamit ng mag-asawa, timbog sa NAIA

ARESTADO ang isang taxi driver nang itakbo ang kagamitan ng kanyang mag-asawang pasahero na Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 (NAIA-2) Biyernes ng hapon.

Ayon kay airport Police Intelligence and Investigation Division (PIID) chief Alden Gay, nadakip ang suspek na kinilalang si Michael Estolada, miyembro umano Kuratong robbery gang na nag-operate sa apat na terminal sa airport.

Ayon kay Gay ipinagbigay alam ng suspek ang insidente sa PIID dahil itinakas umano ni Estolada ang mga personal na kagamitan ng isang Australian na kinilalang si Michael Collin Robert at ng Filipina fiancée, Delia Ybanes, na galing sa Bangkok.

Batay sa salaysay ni Robert, sumakay sila sa taxi ni Estolada sa NAIA-2 departure area at nagpapahatid sa NAIA-3 para makaabot sa kanilang flight papuntang Boracay.

Kina-usap umano sila ng suspek at kinokontrata pa sila ng halagang $100 at nang umangal umano ang biktima, pinababa umano sila nito bago pinatakbo ang sasakyan na kinalalagyan ng kanilang kagamitan pati na ang kanilang passport, return ticket sa Australia, P12,000 at A$1,000 na nasa likuran ng sasakyan.

Pinasasalamatan ni Robert ang pagkakaaresto kay Estolada dahil nabawi ang kanilang importenteng kagamitan dahil  sini-celebrate nila ang kaarawan ng kanyang fiancee kahapon at magpapakasal sila sa isang linggo sa Boracay Island.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply