Tayag sa mga pro at anti-RH bill: Hidwaan, tapusin

dr-eric-tayag

NANAWAGAN si Health Assistant Secretary, Dr. Eric Tayag sa mga taong pabor at tutol sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill na tapusin na at paghilumin ang anomang hidwaan na naganap sa pagitan nila.

Ito’y kasunod na rin ng makasaysayang pagkakapasa ng nasabing panukala sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representantes.

Matatandaang sa botong 113-104 ay tuluyang naaprubahan sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang kontrobersyal na panukala.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), na mas mapagsisilbihan ng mga pabor at tutol sa panukala ang bansa kung hahayaan nila na maghilom ang sugat na idinulot ng laban sa RH bill.

Nauna rito, sinuportahan ni Tayag ang panawagan na ipasa na ang RH Bill dahil makatutulong umano ito para mapababa ang insidente ng HIV infection sa bansa at maabot ang zero-AIDS related death pagsapit ng taong 2015.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply