Temperatura sa Baguio nasa 11 degrees Celcius

baguio1

BAGUIO CITY – Naitala kaninang medaling araw ang pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong Disyembre.

Ayon sa pinakahuling talaan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), aabot sa 11 degrees Celcius ang pinakamalamig na temperatura na naramdaman sa buong lokalidad kaninang madaling araw.

Samantala, pinakamataas naman ang 23.5 degrees Celcius.

Paliwanag ng Pagasa, epekto pa rin ito ng low pressure area (LPA) na nasa Philippine area of responsibility at ng northeast monsoon o hanging Amihan.

Dahil dito, nagbabala ang Pagasa sa mga taga-Baguio lalo na ang mga turista na magdiriwang ng Pasko sa lungsod, na magsuot ng makakapal na damit kahit sisikat ang araw mamaya.

Magugunitang ito na ang ikalawang pinakamababang temperatura na naitala ngayong taon mula sa 10.4 degrees Celcius noong buwan ng Pebrero.

Inaasahan naman na lalo pang lalamig ang klima sa tinaguriang “City of Pines” at mga karatig-bayan sa Benguet hanggang sa selebrasyon ng Panagbenga sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply