Testigo sa Ramgen case kakasuhan

PLANO ng kampo ng mga akusado sa pagpatay kay Ramgen Revilla na sampahan ng kaso ang tumatayong testigo ng tagausig matapos aminin nito ang umano’y partisipasyon sa pagpa-plano sa krimen.

Ayon kay Atty. Gerry Alberto, abogado ng mga akusadong sina Ramon Joseph Bautista at Norwin dela Cruz, maghahain sila ng kaso laban kay Sheridan Embat nang aminin niya sa pagpapatuloy ng paglilitis kahapon sa sala ni Paranaque Regional Trial Court (RTC) Judge Fortunito Madrona ng Branch 274 ang kanyang naging partisipasyon sa planong pagpatay kay Ramgen.

Sa isinasagawang cross examination kahapon ng umaga, sinabi ni Embat na siya ang nagbigay ng contact number ni Roy Francis Tolisora sa isa pang akusadong si Ryan Pastera matapos ihayag nito na naghahanap siya ng hired killer.

Ayon pa kay Embat, nabanggit na sa kanya ni Tolisora na sanay na siyang gumawa ng krimen kaya’t naisip niyang ibigay kay Pastera ang contact number nito.

Sinabi umano ni Pastera sa kanya na may nagpapahanap sa kanya ng taong mauupahan upang pumatay ng isang tao na madalas umanong manakit sa miyembro ng pamilya.

Dagdag pa ni Embat, hindi niya umano alam na si Ramgen ang target at noon lamang Oktubre 2 niya nalaman kung sino ang target na papatayin.

Pumunta umano si Pastera sa bahay ni Embat sa BF Homes at itinanong kung puwedeng makausap si Tolisora. Batid aniya ng buong pamilyang nakatira sa bahay kay Ramgen ang planong pagpaslang maliban sa kanyang driver.

Sinabi umano ni Pastera na handang magbigay ang pamilya Bautista ng mula P800,000 hanggang P1 milyon para patayin si Ramgen at bibigyan umano siya ng P200,000 sa oras na maisakatuparan ang krimen.

Nalaman na lamang, aniya, niya na naisakatuparan na ang pagpaslang noong Oktubre 29 matapos niyang mapanood ito sa telebisyon. Wala rin, aniya, siyang tinanggap kahit magkano dahil sinabi umano sa kanya ni Pastera na huwag ng kontakin si Tolisora dahil puro palpak ang ginagawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply