Thunder inawat ng T’wolves

PINUTOL ng Minnesota Timberwolves ang 12-game winning streak ng Oklahoma City Thunder kanina sa nagaganap na 2012-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.
Kumunekta si Kevin Love ng 28 puntos, 11 rebounds at pitong assists upang kalmutin ng Timberwolves ang Thunder, 99-93.

”It’s important,” wika ni Timbersolves coach Rick Adelman. ”But I would like to see us get to a point where this is not a big deal. It’s a big game against the best team, but this is something we can do.”
Bumakas din si Nikola Pekovic ng 24 points at 10 boards habang si J.J. Barea may 18 pts. 14 sa fourth period upang ilista ng Timberwolves ang 13-11 win-loss card.

”I love it,” sabi ni Barea. ”We just needed a little bit more tonight, a little energy and I’m glad I was able to provide that for us tonight.”

Ibinaba ni Kevin Durant ang lamang ng Minnesota sa tatlo matapos isalpak ang dalawang free throwssubalit biglang kumana si Barea ng dalawang tres at sa sariling nitong 8-0 ay umalagwa na naman ang Wolves, 92-81 may 5:26 minuto na lang sa final canto.

”Seems like him, (Barea) and Kevin Love don’t miss against us,” pahayag ni Durant ”Seems like every team has that guy and I think those are the guys against us. Next time we’ve just got to do a better job.”

Umarangkada si Durant ng 33 markers, pitong rebounds at anim na assistssubalit hindi pa rin sumapat upang ipanaloang Thunder.

Ganumpaman, nasa tutktok pa rin ng Western Conference ang Thunder, bitbit ang 21-5 panalo-talokarta.

Sa ibang NBA match, walang kahirap-hirap na tinalo ng defending champion Miami Heat ang Dallas Maverick, 110-95.

Bumida si three-time MVP LeBron James ng 24 pts., nine rebounds at five assists upang pagandahin ang kanilang team standings sa 17-6 baraha.

Sinilat naman ng Portland Trail Blazer ang Denver Nuggets, 101-93.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply