Tigil-putukan ipatutupad ng AFP mula Dec.16 – Jan. 2

AFP

NAKATAKDANG magpatupad ng pansamantalang tigil-putukan ang Armed Forces of the Philippine ngayon panahon ng Kapaskuhan alang-alang sa diwa ng pasko ng pagkaka-isa at pagbibigayan, pahayag ng ayudante mayor ng Lakas Sandatahan.

Simula Disyembre 16 , 2012 hanggang Enero 2, ng susunod na taon ay magpapatupad ang Hukbong Sandatahan ng kanilang Suspension of Offensive Military Operations (SOMO), base sa kautusan ni AFP Commander in Chief and President Benigno Aquino III.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Jessie Dellosa, “the objective of this unilateral implementation of yuletide SOMO to the NPA is to demonstrate the AFP’s commitment, sincerity and resolve for peace in spite of conflicts with the insurgent group.”

Layunin din ng pagpapairal ng SOMO na mabigyan ng pagkakataon ang mga sundalo at maging ang mga mamamayan na naninirahan sa mga lugar na may aramdong tunggalian na maipagdiwang ang kapaskuhan ng mapayapa.

Nabatid na nakapaloob sa SOMO ang pansamantalang pagpapatigil sa mga pagsalakay sa mga NPA subalit mananatili ang puwersa military sa defensive mode habang tuloy-tuloy rin naman ang mga gawaing sumusuporta sa isinusulong ng pamahalaan at ng iba’t ibang civilian authorities na peace, development, and humanitarian assistance programs.

Sa paglilinaw: “ the AFP will maintain its security patrols aimed at protecting civilian communities, government and private establishments, and military camps and detachments; route security and checkpoint operations for protection of civilian movements and preemption of firearms proliferation; Bayanihan Teams’ conduct of peace and development activities; and other civil military operations.

Sinabi rin ni Dellosa ba mananatiling nasa proactive defense mode ang military upang makapagtangol naman sa mga posibleng pag-atake ng NPA gaya ng mga naging karanasan ng mga nagdaang taon na sinasamantala ng mga rebelde ang pina-iiral na unilateral ceasefire ng AFP.

Nabatid pa s ahneral na noong nakarang taon ay sinamantala ng NPA ang umiiral na 18-day SOMO ng AFP kung saan ay harassed ang isang community-organizing peace and development team at napatay ang limang sundalo.

“We hope that the past transgressions and violations committed by the rebels that stained the holidays with violence will not happen again this year. We know fully well the importance of ceasefires in the quest for peace as proven by the successful signing of the Bangsamoro Peace Framework Agreement,” ani Gen Dellosa.

“As a nation that nurtures its free and democratic institutions, the AFP takes its time to recognize and acknowledge the collective and selfless efforts of its soldiers that were instrumental in maintaining peace and security in our communities, especially now that many of our men and women are working round the clock conducting search, rescue and relief operations in disaster-stricken areas in Mindanao.”

Our adherence to the SOMO is but a small part of our commitment to achieving that lifetime of peace, security, and development our people deserve,” dagdag pa ng heneral.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply