Timberwolves tusta sa Heat

KAHIT talo sa lundagan ay nagawa pa rin ng Miami Heat na litsunin ang Minnesota Timberwolves, 103-92 kanina sa 2012-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

May kabuuang 53 rebounds ang Timberwolves laban sa 24 ng Heat subalit nangalabaw naman sa opensa sina Dwyane Wade at three-time MVP LeBron James upang itarak ang 16-6 win-loss record at manatiling nasa tuktok ng Southeast division.

”I don’t know how many times I’ve seen that, where you get doubled up on the rebounding and still escape with the win,” sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. ”That’s a tough team. They’re unique. Relentless on the glass. There’s not many teams like them.”

Lumiyab ng 24 puntos, apat na assists at tatlong rebounds habang si basketball superstar James ay tumikada ng 22 points, 11 assists at six boards para hablutin na rin ng Miami ang ikatlong sunod na panalo.

”We’re getting better every night,” ani James.

Dahil sa tindi ng rebounding ng Timberwolves ay nakuha nila ang abante sa first period, 27-21 subalit hindi naman nagpabaya ang Heat sa kanilang opensa kaya nasa unahan naman sila sa first half, 49-52.

”That’s an unbelievable rebounding team,” saad ni Wade. ”We made up for it with our energy.”

Nag-ambag din si Chris Bosh ng 15 pts. habang 12 markers naman ang binira ni Mario Chalmers para sa Heat.

Si Russian star Andrei Kirilenko ang nanguna sa opensa para sa Timberwolves matapos sumalpak ng 22 points.

Samantala, hirap na tinalo ng Los Angeles Lakers ang Charlotte Bobcats dahil isang puntos, (101-100) lang tinalo ng una ang huli.

Tinarak ng Lakers ang ikatlong-sunod na panalo upang mapaganda ang kanilang team standing sa 12-14 panalo-talo karta.

Sa ibang NBA resulta, dinagit ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 100-95 sa overtime period habang sinuwag ng Chicago Bulls ang Boston Celtics, 100-89.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply