Titser utas sa banggaan ng 2 sasakyan

PATAY ang isang guro, habang sugatan naman ang isang estudyante nang mabangga ang kanilang sinasakyang motor ng dump truck sa GenSan.

Kinilala ang namatay na si Rodesenso Historia, 52, ng Roca Subdivision, Apopong, habang ang mga sugatang biktima ay sina Jan Michael Bulido at Shadudin Abubakar, pawang estudyante ng New Society National High School.

Nabatid na papasok na sa national highway ang motorsiklo nang mabangga ng dump truck.

Dahil sa malakas na impact, tumilpon ang biktima at ang dalawang mga estudyante na sakay nito.

Nakakulong na ang driver ng dumptruck na si Reynaldo Gumiya.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply