Toknakan sa U-2 Club at hilo sa bus segregation

burdado-jun-briones2

GAANO man kaganda ang inten-syon nina MMDA Chair Francis Tolentino rito sa kanilang ipinatupad na Bus Segregation Scheme” sa kahabaan ng Edsa ay hindi nito kayang “i-justify” ang matinding kalituhang naidulot nito.

At bakit hindi malilito ang mga driver at pasahero sa sistemang ito, eh, ang mga MMDA mismo ay lito rin!

Isipin na lamang, parekoy, na kung si Tolentino na isang abogado at ideya niya mismo ang siste-mang ito pero nalito rin . . . gaano pa kaya ang drivers at ang taum-bayan?

Ang dahilan ng nasabing ka-lituhan ay dulot ng karaka-rakang pagpapatupad nitong BSS na hindi muna idinaan sa masusing pag-aaral kung paano ito ituturo sa mga tao.

Hindi rin tiniyak ng MMDA kung nalagyan na nga ba ng LTFRB ng “sticker” ang bawat bus na dumaraan sa Edsa.

Maging ang mga “karatula”    na inilagay ng MMDA ay nakita rin ni Tolentino na mali-mali!

Ang masakit, bigla itong ipi-natupad na hindi muna tiniyak na plantsado, pagkatapos ay saka na lamang sasabihin   ni Tolentino na pagpasensyahan na lamang muna ng taumbayan!

Tangna naman, oo, matagal nang nagpapasensya sa MMDA ang taumbayan, Atty. Tolentino!

Bagama’t obligadong tumu-pad sa batas o patakaran ang mga tao pero tiyakin naman muna ninyo na hindi ito makapagdudulot ng kalituhan! Pwe!

-o0o-

Tulo-laway pa ang isang sea-man habang nagkukwento sa atin kung gaanong sarap ang kanyang natikman sa pakikipag-sex sa menor de edad sa loob ng U2-Club sa Para-ñaque noon lamang isang araw!

Kung may iba pang U2-Club sa Parañaque liban sa nasa panulukan ng Macapagal Boulevard ay maa-ring mali ako.

Na ang tinutukoy ng kaibigan kong seaman at ang isinusulat kong U2 na iniuulat na talamak ang totna-kan ay iisa.

Muli nating tinatawagan ang Department of Social Welfare and Development at National Bureau of Investigation na sana ay beri-pikahin ninyo ang mga babae riyan sa U2 para matiyak na walang menor de edad na pros-titutes o nagaganap na human trafficking sa loob nito!

Ilang beses na kasi nating isinusulat ito pero tahimik lang  si Mayor Florencio Bernabe.

Mayor Bernabe, matanong lang kita, ha, ikaw ba ay man-hid, inutil o patong mismo sa nasabing putahan?

Sumagot ka! Namputsa ka!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply