Tomboy kritikal sa sinulot na kelot sa Navotas

KRITIKAL ang isang tomboy nang pagsasaksakin ng kelot na nasulot sa babae ng una sa Navotas kahapon, Disyembre 6.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rachelle Anne Lopez, 27 ng F. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Nadakip naman si Edwin Troyo, 38 ng Block 6, San Jose ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, kasama ng biktima ang nobyang si Ashelle Anne Panganiban na dating nobya ng suspek habang naniningil ng pautang sa Bagong Silang st., San Jose nang lapitan ni Troyo at walang salitang pinagsasaksak ang tibo.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa TMC habang nadakip naman ang suspek kung saan lumalabas na nagalit ang huli dahil naagaw ng una si Panganiban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply