Tootsy rolls

trending ngayon

DUMALO ang aking wife na si Tootsy para magsalita sa paglulunsad ng Reform Parañaque Movement na pinangunahan ng Laban ng Demokratikong Pilipino o LDP noong December 8.

Si Tootsy muna ang toka sa nasabing event dahil nasa Iloilo naman ako para magsalita rin sa Junior Chamber International induction and turnover ceremonies.

Sa loob ng maraming taon ng aming pagsasama bilang mag-asawa, alam kong kailangan ko pa ring matuto at makinig sa kanya.

Sa harap ng LDP-Parañaque members, narito ang ilang bahagi ng kanyang sinabi:

“Mas matalino na ngayon ang publikong Pinoy. Ito ay dahil na rin sa pagiging accessible ng maraming importanteng impormasyon. Alam na nila kung ang inilalako sa kanila ay mga katotohanang hilaw naman pala.

“Nagkakahugis ang isang bagong anyo ng pulitika at unti-unti nang nawawala sa uso ang style-bulok na ang mga politiko ay patron at amo at ang masa ay may katumbas na presyo.

“Mayroong oportunidad na maiwaksi ang pagtingin ng pagiging traditional politicians o trapo at manguna sa laban para maiba naman ang katayuang politikal at panlipunan ng ating bansa.

“Hindi dapat na nakikisabay lang sa kung ano ang in o trend sa politika, kailangan ng track record ng mulat na paglilingkod at kaisahan ng mga prinsipyo at bagay na higit na pinahahalagahan.”

Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagtingin ko kay Tootsy. Higit sa maraming bagay tungkol sa kanya, ang kanyang mataas na kamulatan pagdating sa lipunang Filipino.

***

HINDI kasama sa mga sinisira ng bagyo ang mga karapatan ng kababaihan. Pero nabalewala ang kanilang mga karapatan habang at pagkatapos ng pananalasa ng Bagyong Pablo.

Nilalaman ng naisabatas noong 2009 na Magna Carta of Women o ang Republic Act 9710 (na aking nilikha) ang mga komprehensibong karapatan ng kababaihan.

Nakapaloob sa Section 10 ng batas na karapatan ng kababaihan na maprotektahan at mabigyan ng seguridad sa mga panahon ng sakuna, kalamidad, at sitwasyon ng krisis sa lahat ng yugto ng pagtugon ng gobyerno tulad ng relief, recovery, rehabilitation, at construction efforts.

Totoong mahirap at mapanganib ang relief and rescue efforts pero dapat na ibigay pa rin sa kababaihan ang kanilang mga batayang pangangailangan at protektahan sila laban sa trauma. Ito ang nilalaman ng batas at hindi naman ito kasama sa mga binagyo.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply