Total ban sa pagtotroso, pagmimina sa ComVal, ipatupad

ANG iligal na pagtotroso at pagmimina ang itinuturing na pangunahing dahilan kaya naganap ang trahedya sa Compostela Valley.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRC) Executive Dir. Benito Ramos na nakalbo at nagkauka-uka ang mga kabundukan sa Compostela Valley dahil sa illegal logging at mining dahilan upang gumuho ang mga ito.

Dahil dito, binigyang diin ni Ramos na kanyang irerekomenda ang total ban sa pagmimina at pagtotroso sa Compostella Valley upang bigyang pagkakataon na makarekober ang mga kabundukan doon at ‘di na pagmulan pang muli ng malagim na trahedya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply