Tour guide hinahanap pa sa lumubog na bangka sa Taal Lake

PATULOY ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga pulis sa nawawalang tourist guide sa lumubog na motorboat sa Taal Lake, Batangas.

Ayon kay Batangas police director Senior Superintendent Rosauro Acio, ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para matunton ang tour guide na kinilalang si Mario Austria, 55, residente ng Tagaytay City.

Sinabi ni Acio, na ang boat operator na si Gary Ross at turistang si Razel Escoto, ang kanyang asawa na si Haidee, mga anak na sina Edzel, 9, at Thea, 6, ng San Fernando, Pampanga, ay nasagip sa lumubog na M/B Soriano 3.

Ang mag-anak ay patungo sana sa Pulo Island mula sa bayan ng Talisay nang aksidenteng tumaob dahil sa malakas na alon.

Nasagip ng mga crew ng M/B Korean Express ang mga anak pero nawawala si Austria.

Dinala ang mga nasagip na biktima sa Talisay Municipal Hospital upang masuri at matiyak na maayos ang kalagayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply