Toy cosmetics mapanganib

HUWAG bumili at magregalo sa mga bata ng toy cosmetics.

Ito ang babala ng toxic watchdog na EcoWaste Coalition matapos matuklasang mataas ang mercury content ng mga naturang laruang cosmetics.

Ayon sa grupo, hindi dapat ipang-regalo sa mga bata ang “Fashion Girls” at “Pretty Girl” make-up set na ipinagbibili sa Divisoria, Manila, sa halagang P10 hanggang P50 dahil mapanganib ang mga ito.

Sinabi ni Aileen Lucero, ng Project Protect ng EcoWaste, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na hindi ligtas na paglaruan ang mga naturang make-up set dahil sa taglay nitong mataas na antas ng mercury.

Batay sa pagsusuri, ang mercury ay maaaring maging dahilan nang pagkapinsala ng kidney, nakakabawas ng resistance ng balat sa bacterial at fungal infections, at nagiging sanhi pa ng skin discoloration, rashes at scarring.

“Girls, in particular, are unknowingly exposing themselves to  mercury and other toxic metals when they play actress, princess or Miss Universe and apply unsafe cosmetics to their faces and lips,” paliwanag pa ni Lucero.

Nabatid na bumili ang grupo ng mga sample ng naturang make-up set at nang kanilang suriin ay natuklasang mayroon itong mula 3.7 hanggang 554 parts per million (ppm) na mercury, na lampas sa allowable limit na 1 ppm lamang para sa cosmetics.

Ilan sa toy make-up sets na mapanganib ay ang Pretty Girl Beautiful Colors, P40; Fashion Girls Make-Up Set, P30; Wink Club Beauty Series (small), P10; Beauty Princess Make-Up Set, P30; Pretty Girl, P30; Wink Club Beauty Series (big), P40; Dream Girl Make-Up Set, P50; at Dream Angel Make-Up Set, P35.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply