Toyota RAV4 vs Subaru Forester

PAREHONG inaabaangan ang pagdating sa bansa sa susunod na taon ang dalawang nasabing compact SUV (sport utility vehicle). Ang all-new Toyota RAV4 ay darating sa Enero ayon sa Toyota Motor Philippines.

Tatlong modelo ang puwedeng pagpilian dito. Ang 2.5L 4×4, ang 4×2 Full Option, at ang entry level 4×2 model. Ang bagong RAV4 ay naka dual VVTi, 4 cylinder, 16-Valve DOHC na may lakas na 176ps at 233Nm. Ito’y may 6-speed automatic sequencial transmission.

Apat na airbag para sa 4×4 at dual airbag naman para sa mga 4×2. May 6-speaker sound system na may kasamang bluetooth function para sa 4×4 at 4×2 full option at 4-speaker sytem naman sa entry level 4×2. Ang entry level 4×2 model ay hindi lalayo sa presyo ng P1.4 milyon at ang top of the line 4×4 naman ay nasa higit kumulang P1.9 milyon.

Ang bagong Subaru Forester na pinararating ng Motor Image Pilipinas ay inaasahang dumating sa Marso 2013. Ang Forester ay may daalawang modelo, ang 2.0i at ang 2.0XT. Ang 2.0i ay may 2L, 4 cylinder boxer engine at 6-speed Lineartronic CVT transmission habang ang top of the line XT ay naka-turbocharge na nagbibigay ng 276hp at 350Nm at bukod dito ay may 8-speed Lineartronic CVT transmission, pitong airbag, 8-speaker sound system at start/stop button. Parehong 4×4 ang 2.0i at ang 2.0XT. Ang presyo ng bagong Forester ay magmumula sa P1.5 milyon hanggang P1.9 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply