Traffic enforcer binaril, patay

crime-scene-chalk-mark

PATAY ang isang Traffic enforcer ng Metro Manila Development Auhtority (MMDA)at dating pulis matapos itong pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang naglalaro ng mahjong kasama ng ilang kaibigan kagabi sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang bikimang si Arnold Reno, 43, may-asawa, at residente ng 225 Paraiso Ext.Magsaysay Village ng nasabi ding lugar.

Sa report ni SPO1 Maraio Asilo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 8:00 ng gabi sa may Trinidad St., Block 2, Tondo, Maynila.

Nauna rito, naglalaro ng mahjong ang biktima kasama sina Jane Adisas, David Gloria at Alma Tolentino nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima sa dibdib at baba.

Hindi pa nasiyahan ang suspek at nang makitang bumagsak padapa ang biktima sa semento ay muli nitong binaril ng dalawang beses sa likod si Reno na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Nang masigurong patay na ang biktima at saka mabilis na tumakas ang suspek sa direksyon ng Lacson St.

Dinala naman ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes para sa autopsy at safekeeping habang patuloy ang imbestigasyon para sa pagkakilanlan ng suspek na walang nakakakilala sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply