Trak nahulog sa bangin, 22 sugatan

SUGATAN sa aksidente ang 22 katao kabilang ang dalawang paslit nang bumangga ang kanilang sinasakyang dump truck sa isang puno bago nahulog sa bangin sa Abra province.

Isinugod sa Abra Provincial Hospital (APH) sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Vicente Jaquias, 57-anyos, Darwin Valdez, 31, Arlene Flores, 21, Ma. Elena Valdez, 29, Condrado Valdez, 25, Ma. Nerissa Fontanilla, 27, Dyllan Thor Fontanilla, 25, Dale Xyril Fontanilla, 2-anyos, Wilson Jaquias, 21, Erika Abad, 9, Darlen Jay Valdez, 8, April Joy Valdez, 7, John Carlo Abad, 6, Nassel Abad, 35, Margaret Jaquias, 31, Andrei John Jaquias, 9, John Lloyd Enclonar, 12, Elizabeth Blanes, 25 Eric Blanes, 5, Chavit Jaquias, 2-anyos, Oliver Blanco, 11, at John Rey Blanco, 11.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) naganap ang insidente dakong alas 5 p.m. nitong nakaraang Sabado sa Abra Kalinga Road sa Barangay, Mudiit sa Dolores town.

Lumabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang drayber ng trak na hindi nakuha ang pangalan kaya sumalpok ang sasakyan sa isang puno bago nahulog sa bangin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply