Trak swak sa bangin, driver todas

PATAY ang tsuper ng isang trak makaraang mahulog ang minamanehong sasakyan sa isang bangin sa Binanuahan, Lagonoy, Camarines Sur pasado alas-11:00 kagabi.

Idineklarang dead on arrival sa Partido District Hospital ang tsuper ng  truck na kinilalang si  Mario Sedan, 46, ng Canaman, naturang lalawigan.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang biktima kung kaya nahulog sa bangin na tinatayang may taas na 100 meters ang minamanehong Isuzu dump truck.

Kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa naturang aksidente.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply