Trak tumagilid, 3 sugatan

emergency-2

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang isang driver at dalawang pahinante makaraang tumagilid ang minamanehong delivery truck sa service road ng Mindanao Avenue sa Novaliches, Quezon City.

Nabatid na patungo sa Pangasinan ang delivery truck upang mag-deliver ng mga materyales nang biglang may sumulpot na sasakyan na iniwasan ng driver na si Henry Hernandez na nagresulta ng pagtagilid ng minamenho nito.

Isinugod din sa ospital ang dalawa nitong pahinante na sina Manuel Velasquez at Justin Nolasco.

Nagdulot ng matinding pagsisikip sa trapiko ang nakahambalang na trak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply