Transport caravan kasado sa Dec 6

transport-caravan

ISANG malawakang transport caravan ang lulunsad ng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON kasama ng kanilang mga kaalyadong grupo para iprotesta ang 13 years model phase out ng mga pampasaherong Utility vehicles.

Itinakda sa Disyembre 6, ang malawakang transport caravan na lalahukan ng UV Express Federation at Associations sa ibat-ibang ruta at iba pang karatig bayan sa Metro Manila at sa labas ng Metro Manila .

Inaasahan na lalahok sa malawakang transport caravan ng mga UV Express ay may 50 hanggang 100 UV express units at 300 kataong operators, drivers ng mga UV Express kasama ang kanilang mga pamilya.

Ayon kay PISTON Presidente George San Mateo ang nasabing pagkilos ay pagpapakita ng mahigpit nilang pagtutol sa plano ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Central Office para sa katuparan ng mandatory 13 years model phase-out sa UV Express sa buong bansa na magsisimula sa Enero, 2013.

Hihilingin ng PISTON sa LTFRB at sa DOTC na magpatupad muna ang mga naturang ahensiya ng moratorium  sa buong bansa kaugnay sa planong year model phase out dahil marami ang mawawalan ng trabaho at kabuhayan sa hanay ng mga maliliit na operators at tsuper ng UV Express.

Magsisimula ang pagtitipon tipon ng Transport Caravan sa QC Elliptical Circle (Tapat ng QC City Hall) bandang alas  8:00 ng umaga.

Pagsapit ng alas  9:00  ng umaga ay tutulak na ang caravan papunta sa LTFRB Central Office sa East Avenue bago sa DOTC Central Office sa Ortigas Avenue, Mandaluyong para sa isang programa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply